Tuesday, April 3, 2012

Day 2 : U.K.G





Magandang nagsimula ang araw ko ngayon … bakit nga ba? Nagising lang akong naka upload na ang ninais kong makanta ngayong araw na ito … dahil na din gusto kong maging maganda ang araw ko ngayon. Nag simula ng maganda at natapos ng maganda ang araw na ito. 


Tambak man ang naging trabaho kanina at “stressed” sa mga makukulit na taong nakapaligid, sulit pa rin ang pag pasok ko. At pinakamahalagang nagpaganda ng araw ko eh nagtawanan na kami ng isa sa mga ‘close’ kong kaibigan at di na tumagal ang ‘pagtatampuhan.’ Masasabing matagal na ang mga pinagsamahan naming magkakaibigan at natutunan na naming maging totoo sa bawat isa’t isa … mga salitang totoo na minsan ayaw mo marinig at masakit … pero ang sabi nga nila ang tunay na kaibigan hindi lang puro papuri ang mga sinasabi… kaya sila nandiyan ay upang maipaalala sa isa’t isa ang mga hindi maganda sa ugali, sa pananamit, sa pagkilos, atbp., at magsilbing batayan ito para sa iyong ikabubuti bilang tao. 

Ang simpleng pasasalamat at appreciation ng kaibigan kong ito via email ay nakapagpagaan ng loob ko sa buong araw! 

credits to guitarist Glenpotz of Musikalaya
and Khris Cruz for his amazing photos 


2 comments:

  1. Wow! Galing!... danda picture hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks cruzi!ganda talaga ng pix! nakaka enganyo na pumunta sa mga lugar na yun!

      Delete