sino sila??????
Nakakatuwang tignan ang mga lumang picture. Lalo na ang picture ng
sarili mo. One day pinakita ni BFF Edeva ang dati nyang picture! Tawa kami ng
tawa! Hindi namin akalain na siya na pala yun! Very far from what he is right
now! Hahaha What at hindi Who! Ayun, nung sumunod na araw, pinakita ni BFF
Chang ang picture nya, aba naman nasa office ako noon, eh tawa ako ng tawa!
MOWDEL NA MOWDEL! At eto pa, ang profile picture itong si PotzGlenn ay
noong bata pa siya, at aba pormang porma sa jacket nyang suot! Lahat ito ay
nagkataon lang hindi naman pinagusapan. Kaya ayun hiningi ko mga picture ng
ilang mga kaibigan
and it inspired me to do this.
and it inspired me to do this.
Kung titignan mo mas simple talaga buhay noong mga bata pa kami. Ang paglalaro ang iniisip at syempre ang mapag buti rin ang pag aaral, pero mas matimbang ata ang paglalaro! hahahaha!!!
Minsang may isinulat na ako at naka post din
dito sa blog, kay inam sigurong bata pa. Mas complicated kasi ang buhay ngayong
may mga edad na. Di lang sarili ang iniisip, di lang paglalaro ang iniisip.
Marami nang dapat pangalagaan. Mas madaming pagsubok na dumadating na kung saan
nahahasa ang ating decision making. Mga pagsubok na nakakapag patibay ng ating
pagkatao.
Mas dumadami na rin ang mga responsibilidad
lalo na ang mga kaibigan kong pamilyado na. Dapat magpakita ng magandang
katutularan ng mga nakababata. At kung noon tayo ang iniintindi ng mga magulang
natin, ngayon tayo naman ang umiintindi sa kanila. It's our turn to take care
of them and give back the love they have provided us when we were younger.
Well base sa aking experience habang
nagkakaedad eh mas napapalapit kay Father God. Marahil na din siguro sa mga
pagsubok na dumarating na tanging kakampi natin ay si Siya.
Gone are the days that we would play
pepsi-7up, Chinese garter, holen, tex (yung maliliit na card ha, hindi yung
text sa celphone) taguan, patintero at kung ano ano pa. Mas mahirap ang
pakikipaglaro sa buhay ngayong nagkakaedad na. But with God's guidance and
grace I'm sure malalagpasan din ang mga ito with flying colors, ika nga!
For the meantime... let's enjoy looking and
laughing at our old pictures and recall the good memories when we were younger.
hahaha nice post potz!! gaya nga ng sabi nila, yung mga luma noon ay bago sa mga bata ngayon! it's cool to reminisce.. Enjoy life! :))
ReplyDeletehahaha ...thanks potz! it is really fun to look back at the past ..yung happy moments syempre! ^_^
Deletehahahaha... nakakatuwa naman... may before and after talaga.... hahahaha...
ReplyDeletehehehe .... of course! para makatotohanan ...hahahaha
DeleteIt's good to start the morning with a laugh... LAUGH talaga!!!! wahahahahahhaha why on earth???? parang ang dami kong hindi nakilala??? I'm sure may picture si Khris and kuya Bonski dyan pero hindi ko ma-recognize! hahahahahahaha
ReplyDeleteI super love this!!!! :D
ahahahah what a laugh huh! even si bon didnt recognize himself .. ahaha he forgot na kasama sya at may nahanap akong picture nya! mr. bangs it is ... ah magkapatid ba kayo??? ahahah long lost siblings! wait for the sequel of this blog ahahahaha im excited sana lang magawa ko!
Delete